"Tol, anong ginagawa mo rito?"
Tumalikod ako. Si Popoy. Amoy punyeta rin. Nakasuot ng gray shirt na may print na "Punk's Not Dead" in graffiti font. As usual, punit na punit din ang outfit niya like mine. Good news. Good news.
"Tol, di ba may shift ka ngayon? Baka late ka na," sabi niya.
Anong shift? Bakit mali-late? Tangina, napakasamang balita. Wala yatang alam si Popoy.
"Ha? Anong shift, tol?"
"Call center agent ka, hindi ba? You know, BPO stuff? Mag-a-alas syete na, shift mo na. 'Di ka papasok?"
Puta.
"Ha? Ha? Anong call center? Anong BPO? Ha?"
"Tangina, suminghot ka ba? Ba't di mo 'ko sinabihan?"
"Ha? Ha? Anong suminghot?"
Tumawa si Popoy. Humalakhak ang gago.
"Osya, mauna na'ko. Napaka-stressful maging COO ng company! Kitakits sa Mayhem mamayang hapon, tol. Bill's on me!" Lumakad si Popoy na parang normal at malinis at desenteng nilalang sa mundo. Hindi niya alam na amoy punyeta siya at butas ang kanyang suot na pantalon.
Puta. Wala akong nakuhang mga kasagutan.
"Ser, ser, palimos po."
Nasa likod ko't kumakalabit sa aking sando ang isang dalaga. Naka-yellow dress at Ray Ban sunglasses. Six inches na high heels. Purple lipstick. Newly-rebonded hair. Napakasilaw ni eneng.
"Ser, ser, konting barya lang po."
"Iha, makinig ka. Ka-tripping mo ba 'yung lalaking naka-tuxedo? Yung sa kabilang kanto oh. Kita mo? Anong trip niyo, ha?"
"Ano po, ser? Di ko po kilala 'yan. Hindi po. Hindi po."
"Ba't ka mamamalimos, ha? Ang gara-gara ng outfit mo. Anong mabibigay ko sa'yo?"
"Ser, wala po akong trabaho. May sakit po ang anak ko. Andun po," at tinuro niya ang isang batang naka-red hoodie at Converse kicks na naglulumpasay malapit sa traffic light sa harapan ng BDO.
Napunyeta na talaga ako.
"Konting barya lang po, ser, pantawid gutom lang po sa anak ko."
Hindi ko alam kung bakit, dumampot ako sa bulsa ko at nakaramdam ng papel. Kinuha ko ito, at putangina, sampung libong piso!
Puta.
Puta talaga.
"Wew, hanep. Andaming pera n'yan, ser. Siguradong may barya ka rin n'yan. Sige na, ser. Konting barya lang po."
Binigay ko sa nakakasilaw na dalaga ang isang libo.
Hindi ito ang mundo ko. Ngunit, tangina, ang yaman ko rito.
Tumalon sa tuwa ang dalagang naka-yellow dress at purple lipstick. Tumakbo ito patungo sa batang naka-Converse kicks.
Anong nangyari sa mundo? Masisiyahan ba ako sa nangyari?
Lumakad ako nang lumakad. Walang patutunguhan. Hindi ko alam, I'm in deep shit thinking na pala.
Puta, pa'no ako napadpad rito? Pa'no ba makakaalis? Gugustuhin ko kayang umalis? Ano pang mga nakakawindang na surpresa ang naghihintay sa'kin sa mundong 'to?
Huminto ako sa isang kalyeng pinangalanang Blood Street.
Tangina, the name speaks for itself.
Nasa harapan ko ang limang lalaking naka-suit, black glasses, red ties, shiny leather shoes. Ang lalaking nasa gitna, may hawak na pugot na ulo.
Nakalimutan kong mayaman nga pala ako.
Nakalimutan kong minsan na rin palang sumagi sa isip kong gumawa ng masama para magkapera.
Noon 'yun. Noong pulubi pa ako. Teka, pulubi pa naman din ako. Teka. What? What?
Papatayin ba ako ng mga gagong 'to? Hoholdapin? Minsan ko na ring ginustong mang-holdap dahil sa gutom. Tangina, ang gulo-gulo!
"Ang taba ng hawak mong papel, ser."
Napunyeta na.