Holy shit, napabulyaw ako. Holy motherfucking shit.
Nasa harapan ko ang isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Puta, ang desente ng hayop.
"May pagkain ka ba d'yan, boss?"
Ano raw? Anong pagkain?
"Boss, kahapon pa po ako walang kain. May sobra ka ba d'yan?"
Puta. Ba't nanghihingi ng pagkain ang taong 'to sa 'kin? Tatlumpu't dalawang taon na ako rito sa lansangan, ni minsan hindi pa ako nakakaranas na may taong obviously rich na nanghingi ng pagkain sa 'kin. Puta. Anong nangyayari?
"Boss, boss."
"Ano ho?"
"Me pagkain pa po ba kayo d'yan? Napakasakit na po ng tiyan ko."
"Ba't di ka umuwi sa inyo? Na'san sasakyan mo? Puta, may pera ka, 'di ba?"
"Ha? Anong pera po? Anong sasakyan? Tatlumpu't isang taon na ako rito sa lansangan. Pera? Sasakyan? Tatlumpu't isang taon kong pinangarap ang mga 'yan."
What the fuck.
"A-ano? Anong pinagsasabi mo?"
"Lumaki po ako rito sa lansangan, namamalimos araw-araw, dumedepende sa mga taong mayaman para mabuhay, sa mga taong tulad niyo po."
"Ano? Anong tulad ko?"
I looked at my hands, filthy as usual. Puta, amoy kanal na naman ako. Pinalayas na naman ako ng may-ari ng lote sa harap ng pharmacy, doon pa naman ako natutulog. Comfy place. Comfy tiled floor. Puta, nami-miss ko na ang spot na 'yun.
Teka, anong pinagsasabi ng taong 'to? Paano ako naging mayaman sa hitsura kong 'to?
"Kahit barya lang po. Maawa po kayo."
"Puta, pare. Anong pinagsasabi mo? Anong trip mo, ha? Nakikita mo ba ang taong nasa harapan mo?"
"Opo, opo."
"Anong nakikita mo? Anong suot ko? Anong amoy ko? Panget ng mukha ko, di ba? Pulubi, di ba? Pulubi?"
"Ha? Hindi po. Hindi po. Nakasuot ka ng maruming sando na may punit sa gitna. Amoy punyeta po kayo. Panget din po. Pulubi? Ha? Anong pulubi? Araw-araw ko pong pinaglilimusan ang mga katulad niyo. Ang mga mayayaman sa mundong 'to. Tumingin po kayo. Ayun, po. Doon. Kita mo?"
Puta, pinagtatawanan ng tatlong pulubi sa kabilang kanto ang isang babaeng naka-gown, nakadapa sa bangketa, umiiyak. Pinagbabato ng barya ng mga gago ang babae. Holy shit. Anong tripping 'to?!
"Konting barya lang po. Sumasakit na po talaga ang tiyan ko."
Nakatingin pa rin ako sa tatlong pulubi. What the fuck is going on?
"Boss?"
Puta. Puta. Puta. Anong nangyayari?
"Boss?"
"Ha?"
"Palimos po."
"Tangina. Anong palimos? Ginagago mo ba ako, ha? Ha?"
Tumayo na 'ko.
"Anong palimos? Ibenta mo 'yang tuxedo mo, gago!"
"Ano po? Itong suot ko po ba? Napulot ko lang 'to. Maraming ganito roon sa waste dump. 'Yang suot mo po, wew, jackpot po kayo d'yan pag binenta mo. Sa huling pagkakaalam ko, pitong libo yata? Ewan, basta mamahalin po 'yan!" Tumawa ang gago. "Pero, boss, konting barya lang po talaga. Maawa po kayo."
"Tangina, umalis ka sa harapan ko!"
Nagulat siya, yumuko, at umatras. "Pasensya po, boss. Pasensya po," at lumakad sa kabilang kanto. Nilapitan niya ang naka-gown na babae. Hinimas nito ang ulo ng babae, may sinabi, at umiyak. Pagkatapos, dinampot niya ang mga tinapong barya ng tatlong pulubi kanina. Binilang niya ito at biglang tumingin sa 'kin. Puta, ngumiti ang gago.
Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa syudad pa ako, ang mismong syudad, ang mismong lansangan na kinalakihan ko. Ganito ang hitsura nito pagkatulog ko kagabi. Ganito rin ito ngayon. Walang nagbago. Well, except this one. This fucking one. Bigla akong nagutom. Hindi sa pagkain, kundi sa mga sagot.
Then I realized, si Popoy.
Tama, si Popoy. Maraming alam si Popoy. Baka masagot niya 'to. Kailangan kong hanapin si Popoy. Puta, na'san ba ang gagong 'yun?
No comments:
Post a Comment